Wednesday, November 6, 2013

Maikling buhay, legacy ni Jimi Hendrix, nasa bagong docu

LOS ANGELES (Reuters) – Mahina ang boses at laging nakayuko, mistulang kiming-kimi si Jimi Hendrix sa kanyang suot na pastel blue kimono-like shirt nang ilarawan siya ng talk show host na si Dick Cavett bilang isa sa pinakamahuhusay na gitarista sa mundo noong 1969.



Mahiyain at walang tiwala sa sarili kung ilarawan si Jimi ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Ngunit kapag nagtatanghal, inilalantad ni Jimi ang lahat sa kanyang audience na manghang-mangha sa blues innovation na nakikita at napakikinggan nila.


“On stage there was a magical transformation, like a Dr. Jekyll and Mr. Hyde,” ayon kay Eddie Kramer, ang kanyang recording sound engineer. “He was quite the star performer on stage, quite sexual and very animalistic, but in complete control.”


Ang paradox na ito ang tatalakayin sa Jimi Hendrix: Hear My Train A Comin’, isang dokumentaryo sa American Masters series ng PBS.


Tampok sa dalawang-oras na dokumentaryo ang simpleng childhood ni Jimi sa Seattle, ang labis na pagkahumaling niya sa blues music, ang apat na taon niyang pamamayagpag sa rock music scene noong huling bahagi ng 1960s hanggang sa kanyang pagkamatay sa edad na 27 dahil sa overdose ng sleeping pills. Nasa dokumentaryo rin ang mga hindi pa naisasapublikong performance footage ni Jimi.


Mapapanood din sa dokumentaryo, siyempre, ang makasaysayang U.S. debut ng bandang Jimi Hendrix Experience sa 1967 Monterey Pop Festival, nang itinanghal niya ang Wild Thing at may simulated sex sa kanyang gitara bago ito sinilaban at pinaghiwa-hiwalay sa maliliit na piraso.


Hindi mangyayari ang nasabing landmark performance ni Jimi kung hindi inirekomenda ni Paul McCartney sa festival organizers.


Gulat na gulat ang band mates, producers, fans at kritiko ni Jimi sa balita ng biglaang pagkamatay ng music icon noong 1970. Naniniwala silang lahat na aksidente ang nangyari dahil walang-wala sa personalidad ni Jimi ang magpatiwakal, at plano pa ngang muling mag-recording sa kanyang studio sa New York nang mga panahong iyon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Maikling buhay, legacy ni Jimi Hendrix, nasa bagong docu


No comments:

Post a Comment