Thursday, November 21, 2013

Bagong isla lumitaw sa pagsabog ng undersea volcano sa Japan

ISANG bagong isla ang sumulpot sa Tokyo, Japan makaraang sumabog ang isang undersea volcano sa Pacific Ocean.


Namataan ng Japan Navy ang usok bunga ng pagsabog nitong Miyerkules at sunod na nakumpirma ng Coast Guard ang pagsulpot ng maliit na isla sa Ogasawara island chain.


Hindi pa pinapangalanan ang bagong islang may lawak na 200 metro dahil maaari pang lumubog ito.


Pero kung tatagal ang bagong isla, magiging bahagi ito ng Tokyo kahit 1,000 kilometro ang layo sa lungsod.


Matatandaang isang bagong isla rin ang lumitaw kasunod ng malakas na lindol sa Pakistan noong Setyembre.


Walang nakatira sa bagong isla sa Pakistan na tinawag na “Zalzala Koh” dahil nagbubuga ito ng flammable gas.


The post Bagong isla lumitaw sa pagsabog ng undersea volcano sa Japan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagong isla lumitaw sa pagsabog ng undersea volcano sa Japan


No comments:

Post a Comment