Thursday, November 21, 2013

Pulis patay sa pananambang sa Cavite

PATAY ang isang pulis matapos tambangan ng riding in tandem sa Daang Hari Road, Barangay Pasong Buaya sa Imus, Cavite.


Kinilala ang biktima na si PO1 Richard Carluen.


Batay sa imbestigasyon ng Imus Police, lulan ng kanyang motorsiklo si Carluen nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang naka-motorsiklong suspek.


Nakatalaga ang biktima sa Cavite Provincial Public Safety Company (CPPSC).


Patuloy pang inaalam ang motibo sa insidente.


The post Pulis patay sa pananambang sa Cavite appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pulis patay sa pananambang sa Cavite


No comments:

Post a Comment