Sunday, November 24, 2013

BAGO MAWALAN NG HUMAN TOUCH

LIKAS sa mga Pilipino ang pagiging magiliw, taglay ang kagandahang-asal na hindi naman sinasadyang minana mula sa ating mga ninuno. Ngunit sa panahon ngayon ng teknolohiya, mistulang nawawala na ang interpersonal na pakikipag-ugnayan. Maging sa ating mga mahal sa buhay, mas dinadaan pa sa text ang pakikipagkomunikasyon kaysa tawagan sa telepono. Bago pa tayo mawalan ng human touch sa ating pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa ating kapwa, narito ang ilang gabay. Makintal nawa ito sa ating puso at diwa. O bayang magiliw, basa…



  • Tawagan mo sa telepono ang iyong kaibigan, kahit tawag lang ng pangungumusta. Hawakan mo ang pinto para sa isang ‘di kilala. Imbitahin mo ang isang kaibigan sa lunch. Hilingin mo ang opinyon ng iyong kasama sa trabaho tungkol sa iyong ginagawang proyekto. Magdala ka ng makakain sa trabaho, isang maliit na latang biskuwit halimbawa. Mag-iwan ng malaking tip para sa waiter o waitress. Magpasalamat ka sa cashier sa pag-asikaso ng iyong pinamili.

  • Tawagan mo ang iyong mga magulang at sabihin kung gaano mo sila kamahal. Manlibre ka sa sine. Ipakita mo ang iyong pagpapahalaga sa iyong mga katrabaho. Bisitahin mo ang matatandang ulila sa kanilang bahay-pahingahan. Dalhin mo sa parke o sa zoo ang iyong anak o pamangkin.

  • Ikaw na ang magpa-gas sa kotse ng iyong asawa o magulang. Sorpresahin mo ang isang kaibigan sa pamamagitan ng maliit na regalo. Mag-iwan ng thank-you note sa isang janitor na naglilinis sa iyong lugar. Magpasalamat sa basurero, at taga-basa ng metro ng kuryente at tubig, tagahatid ng LPG, barangay tanod, pulis, teacher, pari, madre, estudyante at lahat ng iyong nakasasalamuha.


Ang karugtong, bukas…


.. Continue: Balita.net.ph (source)



BAGO MAWALAN NG HUMAN TOUCH


No comments:

Post a Comment