Monday, November 25, 2013

Supplemental budget raratsadahin ng Kamara

TINIYAK ni House Speaker Feliciano Belmonte na maisusumite ngayong hapon sa Kamara ang supplemental budget bill para sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.


Layunin ng panukalang ito ang magkaroon ng dagdag pondo ang ehekutibo para sa rehabilitasyon.


Ang halaga ay katumbas ng P14 bilyon ng natitirang 2013 pork barrel na hindi na maipalalabas ng Malakanyang matapos maideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang PDAF.


Sinabi ni Belmonte na ang Kamara na ang kikilos para mabigyan ng dagdag pondo ang Ehekutibo dahil halos sigurado na silang sesertipikahan ito ni Pangulong Aquino.


Kasabay nito ay binigyang diin ni Davao Rep. Isidro Ungab, chairman ng House Committee on Appropriations na agad maisasalang sa plenary ang panukalang supplemental budget


Ani Ungab, sa Miyerkules ay itinakda ng kanyang komite ang pagdinig upang mabilis na maaprubahan.


At kapag lumusot aniya ito sa committee level lalo na kung makuha ang inaasahang sertipikasyon dito ni Pangulong Aquino ay agad itong aaprubahan sa second at third reading ng Kamara sa loob lamang ng isang araw.


The post Supplemental budget raratsadahin ng Kamara appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Supplemental budget raratsadahin ng Kamara


No comments:

Post a Comment