Tuesday, November 19, 2013

Album ni MJ Cayabyab, inilunsad na


ANG baguhang singer na si MJ Cayabyab pala ang nag-revive ng Larawang Kupas ni Jerome Abalos na sumikat noong 2000 at ito ang carrier single ng kanyang debut album na release ng Viva Records.


Pormal nang ipinakilala si MJ kamakailan sa Historia restaurant at pagdating pa lang namin sa venue ay maraming fans na ang nag-aabang sa kanya sa labas kaya’t napaisip kami kung sikat na ba siya o kami na lang ang hindi nakakakilala sa kanya.



Nang mapakinggan namin ang bersiyon niya ng Larawang Kupas ay saka namin naisip na, ‘ah siya pala’ kasi naririnig na namin sa radyo ang nasabing awitin pero hindi namin kilala ang nag-revive (hindi na ngayon binanggit ng DJ ang singers ng pinapatugtog nila, ‘kaloka).


Nalaman naming dalawang taon ding sumali sa singing contests si MJ na tubong South Cotabato. May nakapansin sa talent niya at iyon ang naging daan para marating niya ang Maynila at ipinakilala siya kay Boss Vic del Rosario. Nagustuhan ni Boss Vic ang timbre ng boses niya kaya agad siyang pinapirma ng limang taong kontrata sa Viva Records kasama ang road manager niyang si Tom Adrales.


“I was so happy when I met Boss Vic because I felt that my dream is slowly becoming a reality,” sabi ni MJ.


Ang iba pang awiting kasama sa debut album ni MJ ay ang Dahil Sa ‘Yo (komposisyon mismo ni MJ); Kahit Ika’y Nagbago (ni Tito Cayamanda), Mahal Na Mahal Kita (ni Vehnee Saturno), at Muntik Na Kitang Minahal.


“As a singer, I’m really into love songs. You can easily feel the lyrics of the songs and relate with it because it comes from the heart. I tried other types of songs before pero hindi ko masyadong maramdaman ang meaning ng song.


“And when I compose the song Dahil Sa ‘Yo, it took me only a day to finish it. I based it from a story of a friend. Although sometimes nahihirapan ako gumawa ng ending, with this song mas naging madali sa akin,” kuwento ng binata.


“I’ve been singing since I was a child. I was a member of a singing group in high school and we had regular training until I finished high school. Do’n nahasa ang aking pagkanta.


“Dati, when I was still in the province, ’pag sinasabi ko sa kanila na someday I will be a recording artist, pinagtatawanan nila ako. But now, I have proven to them that there is nothing wrong if you dream big as long as you work hard for it,” nangingislap ang mga matang sabi ni MJ.


Dumating ang nanay ni MJ sa album launching niya at panay ang palakpak habang kumakanta ang anak. Nanggaling pa ng Malaysia ang kanyang ina na huli niyang nakita noong magtapos siya ng hayskul.


Sa dalawang lola lumaki si MJ pagkatapos umalis ng ina para magtrabaho sa Malaysia, dalawang taong gulang pa lang siya noon. Iniwan siya ng kanyang ama noong ipinagbubuntis pa lang siya.


Available na sa record stored ang self-titled album ni MJ. –Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Album ni MJ Cayabyab, inilunsad na


No comments:

Post a Comment