Thursday, November 21, 2013

AKLAN, KAILANGAN DIN NG TULONG

Sa naghihingalong tining, nananawagan din ng tulong ang lalawigan ng Aklan – ang tahanan ng Boracay Island at Ati-Atihan.


Hindi alam ng nakararami sapagkat nakatutok ang atensiyon ng bansa sa Tacloban at Roxas – ang mga lungsod ng mga Romualdez at Secretary Mar Roxas, sinalanta rin ng supertyphoon Yolanda ang Aklan. Nagdurusa rin ang 17 munisipalidad, na may 552,880 populasyon, hindi lamang sa katiting na relief goods kundi sa malaking paghamon ng pagbangon at panunumbalik ng mga nawasak at nawala.



Noong nakaraang Lunes, ipinakita sa akin ni Aklan Gov. Florencio T. Miraflores ang isang assessment report as of Nov. 15, 2013, na isinumite ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na nagsasabing 12 katao

ang namatay at 305 ang sugatan. At base sa isinasagawang pagtaya, sinabi ni Gov. Miraflores na may 47,153 bahay ang napinsalang bahagya at mahigit 37,967 bahay naman ang nawasak na naapektuhan ang may 94, 659 pamilya at 434,411 residente. Tinatayang P925.5 milyon ang nasalantang agrikultura; P3 milyon sa lifeline, P477.7 milyon sa infrastructure, at P35.6 milyon sa public utilities.


Habang nagdeklara ang Aklan ng P1.4 bilyong damage assessment, hindi pa kasama ang aktuwal na pagkasira ng ilang institusyon at ilang ari-aritan sa mga bayan. Isa na rito ang Aklan State University (ASU) kung saan nawasak ang mahahalagang pasilidad. Bukod sa pagkawasak ng mga gusali, iba pang imprastraktura, mga puno at halaman, mga aklat, laboratory equipment, sinabi ni Dr. Dan Abayon, Pangulo ng ASU, na ikinagagalak niya ang pagsuporta at kooperasyon ng mga miyembro ng ASU community upang masagip ang mas maraming pasilidad ng unibersidad mula sa pagmamaltrato ni Yolanda. Umaasa rin si dating Congressman Allen Salas Quimpo, na pangulo ngayon ng Northwestern Visayan Colleges na ang mga nagpoprosesong ahensiya ng pamahalaan ng mga loan application ng mga biktima ay medyo luwagan ang waring mahigpit na requirements.


Nag-aalala rin ang Boracay Foundation Inc. sa advisory ng Aklan Electric Cooperative na nagpapahayag na aabutin pa ng 40 araw ang panunumbalik ng serbisyo ng kuryente sa isla.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



AKLAN, KAILANGAN DIN NG TULONG


No comments:

Post a Comment