Saturday, November 23, 2013

750 pamilya nagsilikas sa baha sa Davao

DIGOS CITY, Davao del Sur – Umabot na sa 750 pamilya ang nagsilikas sa matinding baha bunsod ng walang tigil na ulan sa Malalag, Davao del Sur.


Kabilang sa mga barangay na naapektuhan ng matinding baha ay Baybay, Poblacion, Kaputian at Bulacan, ayon sa awtoridad.



Sa Davao Occidental, iniulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na sampung bahay sa Barangay Kinangan, Malita ang napinsala dahil sa baha.


Apat na iba pang barangay mula sa bayan ng Sta. Maria – Buka, Pongpong, San Isidro at ilang bahagi ng Basiawan at Kidadan – ang nakaranas din ng pagbaha.


Sa ulat ng PDRRMC at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, walang naiulat na nasawi o nasaktan sa kabilang ng 24 oras na pagbabantay ng dalawang lupon sa mga lugar na naapektuhan ng pagbaha. – Alexander Lopez at Cherry Mae Palicte


.. Continue: Balita.net.ph (source)



750 pamilya nagsilikas sa baha sa Davao


No comments:

Post a Comment