Thursday, November 21, 2013

4.5 magnitude na lindol, naramdaman sa Cebu

Naramdaman sa ilang bahagi ng Cebu ang isang bahagyang malakas na lindol kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Naitala ang 4.5 magnitude quake dakong sa 5:37 ng umaga, kung ang pinagmulan ay 52 kilometro sa silangan ng Tagbilaran City.



Naramdaman din ang Intensity 4 quake sa Mandaue City at Intensity 2 sa Cebu City.


Samantala, naitala ang isang 4.4 magnitude quake sa North Cotabato dakong 9:45 ng umaga kahapon.


Ayon sa Phivolcs, nagmula ang lindol 11 kilometro kanluran ng Carmen, North Cotabato habang naramdaman ang Intensity 2 quake sa Carmen.


Sinabi pa ng ahensiya na ang mga lindol ay “tectonic in origin.”


Wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa mga paglindol. – Ellalyn B. De Vera


.. Continue: Balita.net.ph (source)



4.5 magnitude na lindol, naramdaman sa Cebu


No comments:

Post a Comment