Thursday, November 21, 2013

Sino ang tutulong kung magsisisihan pa?-Regine

Ni Reggee Bonoan


Regine Velasquez “VERY human nature ‘yun na lahat sinisisi, sinisi ang kapitbahay, sisihin ang gobyerno, lahat na lang sisihin natin.”


Ito ang sabi ni Regine Velasquez tungkol sa netizens na bumabatikos sa pamahalaang Aquino dahil sa mabagal na pagdadala ng tulong sa mga survivor ng bagyong Yolanda.



“Naiintindihan ko naman ‘yung mga sisihan, pagrereklamo, understandable naman ‘yun, it’s very frustrating, more than a week na and it’s really very frustrating, nakikita mo lahat ng videos.


“Pero ngayon, marami nang tumutulong sa atin, hindi po tayo mawawalankung magiging grateful po tayo o kung magta-thank you po tayo at turnulong. We try our best na makatulong po tayo. Kahit na ano po, kahitna prayers ay malaking bagay’yun.


“Imbes na ubusin mo ‘yung energy mo na sisihin (ang) kung sino, eh, turnulong na lang po tayo, just be grateful na lang,” pahayag ng singer/actress.


Aktibo sila ng asawa niyang si Ogie Alcasid sa pagtulong sa Liberal Party simula pa man noong presidential elections. May plano ba itong tumakbo for a public office?


“Ay naku, ‘te, huwag, ayoko talaga,” natawang sagot ni Songbird. “Okay akong tumulong on my own little way kahit hindi ako politician. Same thing with my husband.”


Disappointed ba si Regine sa administrasyong Aquino ngayong marami ang hindi kuntento sa trabaho niya bilang ama ng bansa?


‘” Pag kin i-criticise ang government, it’s part of their job. Kasi nu’ ng pumirma sila (politicians) ay alam nila ang mangyayari na iki- criticise ka talaga.


“Kung may pagkukulang, may pagkukulang naman talaga. It’s up to them kung paano nila idedepensa.


“Sinuportahan ko po si PNoy because I believe in him. Siguro ipakita ni PNoy sa lahat ng Pilipino ang mga ginagawa niya at tiyak doon na mababago ang lahat. Hindi ko job na ipagtanggol siya, ipagtanggol niya ang sarili niya,” natatawang sabi ng singer/actress.


“Lahat naman tayo may reklamo, ako rin, I also have complaints, I really got frustrated. But right now, it will not help anymore, sino ang tutulong kung magsisihan pa?


“Sabi ko nga, we have to be grateful kasi marami ng tumutulong sa atin.


Samantala, karamihan sa mga private at government offices ay hindi na magkakaroon ng Christmas party dahil ido-donate na lang ang magagastos sa mga binagyo. Ganoon din ba ang pamilya ni Songbird?


“Actually, plano namin, sa Pasko dito, kasi usually di ba, dito kami ‘pag New Year? Pero this year, plano namin sa Australia kami magne-New Year, ‘tapos ang Christmas nga, dito kasama ang buong family, simple lang, lagi namang simple lang, eh,”

sagot niya.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sino ang tutulong kung magsisisihan pa?-Regine


No comments:

Post a Comment