Saturday, November 23, 2013

3 karnaper arestado sa Bulacan

Tatlong hinihinalang karnaper, na nakumikilos sa Central Luzon, ang naaresto ng Philippine Natiopnal Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa isinagawang follow up operation sa Baliuag, Bulacan kahapon.



Sa pagsalakay na isinagawa ng pulisya sa Barangay Matang Tubig, Baliuag, Bulacan naaresto ang suspek na si Jasmine Reyes at dalawang kasama hindi pa kinilala ng pulisya. Sa text message na ipinadala ni Supt. Ferdie Villanueva, ng PNPHPG

Region 3, ang mga suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte.


Ang tatlong suspek ay nasampahan ng kasong carnapping sa iba’t ibang korte na nabawian ng dalawang nakaw na sasakyan, isa rito ay L-300 FB van.


Sa pangunguna ng Region 3 Highway patrol Group at Baliuag Police station nagsagawa pa ng follow up operation ang pulisya.


Umabot sa 11 sasakyan na hinihinalang karnap ang nasamsam simula nang ilunsad ang operasyon laban sa sindikato.


Hinala ng pulisya na si Reyes ang itinuturing na financer ng sindikato. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



3 karnaper arestado sa Bulacan


No comments:

Post a Comment