Saturday, November 23, 2013

World leaders pinasalamatan ni PNoy sa relief aid

Ni Madel Sabater-Namit


Isa-isang tinawagan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang iba’t ibang lider sa mundo upang ipaabot ang kanyang taos pusong pasasalamat sa kanilang pagtulong sa mga biktima ng bagyong “Yolanda.”



Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na nakausap ni Pangulong Aquino noong Biyernes sina Mexican President Enrique Peña Nieto; Australian Prime Minister Tony Abbott; Japanese Prime Minister Shinzo Abe; at Israeli Prime

Minister Benjamin Netanyahu. Pinasalamatan din ni Aquino si World Bank President Jim Yong Kim sa mabilis na pagpapadala ng tulong nito matapos ang pananalasa ng bagyong “Yolanda” noong Nobyembre 8.


“The President did mention that he as well as the Filipino people are very thankful for the expressions of solidarity by our neighboring countries at nagpapasalamat ang Pangulo para sa lahat ng pagtulong na pinadala sa atin nitong mga bansang ito,” sinabi Valte.


Ayon kay Valte, tiniyak din ng world leaders na handa ang kanilang pamahalaan na magpadala ng karagdagang ayuda para sa mga biktima ng kalamidad.


“What the President said was that all of them always end with saying that if there’s anything else we can help you with, just say the word, and the President was very, very happy and very thankful for all the support that we have been receiving,” aniya.


Sa pakikipag-usap ni PNoy kay World Bank President Jim Yong Kim, tinalakay ng dalawang lider ang karagdagang $480 billion emergency aid sa Pilipinas.


Una nang nagpahayag ng kahandaan ang World Bank na magpalabas ng $500 milyon bilang fund support sa rehabilitasyon ng mga nasalantang lugar sa Visayas.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



World leaders pinasalamatan ni PNoy sa relief aid


No comments:

Post a Comment