Wednesday, November 13, 2013

2014, aatakihin ni Novak Djokovic

LONDON (Reuters)- Gagamitin ni Novak Djokovic ang kanyang 22-match winning streak bilang isang launchpad para sa all-out assault sa mas maraming grand slam titles sa susunod na taon.


Kinumpirma ng Serb na ang ATP World Tour Finals title sa ikatlong pagkakataon noong Martes ay may awtorisadong pagwawagi laban kay world number one Rafa Nadal at naniniwala siya na nakuha niya ang kanyang laro sa isang makabagong lebelo makaraan ang kanyang pagkaunsiyami sa Spaniard sa U.S. Open final.



Sa kabuuan ng kanyang karera, ginamit ng 26-anyos ang setbacks bilang motibasyon upang lalo pa niyang patalasin ang kanyang laro at bahagdan sa pagratsada sa huling dalawa at kalahating buwan para sa ATP season na sadyang nagpababala kina Nadal, Andy Murray, Roger Federer at iba pang mga manlalaro na may desenyo sa pagtuntong sa rurok ng tagumpay patungo sa 2014.


Ang kanyang porma ay sadyang taglay nito mula sa kahanga-hangang 43-match unbeaten streak noong 2011 nang pagwagian nito ang tatlo sa apat na major events, ang run na nagpasiklab sa Davis Cup triumph ng Serbia laban sa France sa pagtatapos ng mga nagdaang taon.


Ang unang prayoridad ni Djokovic ay muling maipagkaloob ang Davis Cup sa Serbia sa finals sa linggong ito kontra sa Czech Republic, at pagkatapos ay re-charging ng kanyang baterya tungo sa matinding sistema ng kanyang kampanya.


“This can serve as a great platform for 2014 season,” sinabi ni Djokovic sa reporters.


“I’m extra motivated and inspired to work and get myself, first of all, rested and recovered in the off season, and then work on my game and get ready for the Australian Open.”


“The only thing I’m not as satisfied about (this season) is the fact that I lost the three big matches in the three grand slams. The grand slams are the tournaments where I want to win, where I want to get my hands on the title.”


“That will be my highest priority for next year.”


Nabigo si Djokovic kay Nadal sa isang epic French Open semifinals, kay Murray sa Wimbledon finals at kay Nadal uli sa U.S. Open final, at sumadsad din ang kanyang No.1 ranking sa Spaniard noong Nobyembre.


Ang pagkatalo sa New York ay partikular na matindi kaya’t mas pinagtuunan ni Djokovic ang magtrabaho sa mas maraming estilo ng pag-atake tungo sa napakatinding defensive qualities.


Noong Martes, ipinamalas nito ang kahanga-hangang kampanya, ibinigay ang kanyang laro sa panibagong dimension.


“Maybe I didn’t do that in U.S. Open final as much as I should have,” pahayag nito. “In our last two matches, in finals of Beijing and here, I’ve done it pretty well.”


“I feel more comfortable on the net than I was last year, that’s for sure.”


Ang pakikipaglaban ni Djokovic kay Nadal ay lumawig na sa ngayon sa 39 matches at mayroon itong pagkakataon ng dominasyon sa dalawang manlalaro.


Napagtagumpayan ni Nadal ang limang sunod noong 2008-09 at napanalunan naman ni Djokovic ang pitong sunod noong 2011, ngunit pinaniniwalaan ng dalawa na ang kanilang patuloy na pagtatagpo ay balanse at patuloy na magpapalit-palitan.


“It hasn’t been the case that one player wins, you know, 10 in a row being very dominant because really goes up and down,” giit pa ni Djokovic.


“We push each other to the limit. We make each other better players. We make each other work harder, especially when we play against each other. It’s always a huge challenge.” – Martyn Herman/Justin Palmer


.. Continue: Balita.net.ph (source)



2014, aatakihin ni Novak Djokovic


No comments:

Post a Comment