Wednesday, November 13, 2013

STRENGTHENING TECHNICAL-VOCATIONAL COURSES AND TRAINING FOR WORLD-CLASS SKILLS


Pinaiigting ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kanilang technical-vocational courses at mga pagsasanay upang makapagdulot ng mas maraming trabaho at pagaanin ang karukhaan, pati na rin ang pag-aambag sa kaunlaran ng mga rehiyon. Ipintutupad nito ang mga scholarship program para sa mga out-of-school youth at mga walang trabaho sa pamamagitan ng mga programa ng pagsasanay.



Ang Competency Assessment and Certification Program ng ahensiya ay pinag-aaralan ang performance ng graduate o ng manggagawa at nagkakaloob ng mga certificate sa mga nakatugma sa mga pamantayan ng pagkamahusay. Nagkakaloob naman ang Registry of Certificed Workers ng impormasyon sa kalipunan ng mga certified worker para sa trabaho sa buong bansa.


Nangangasiwa ang TESDA sa 57 paaralan at 60 training center na nagpapatupad ng Dual Training System o apprenticeship at community-based training sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan.


Nagdaos kamakailan ang TESDA ng kanilang “One Technical Education and Skills Development Summit” sa Vigan, Ilocos Sur. Mula Setyembre hanggang Oktubre ng taong ito, nagpatupad ito ng mga community-based training program sa mga liblib na bayan ng Davao City at Davao del Sur para sa mga out-of-school youth at iba pa na nagnanais magkaroon ng karagdagang karunungan. Tumanggap ang mga benepisyaryo ng pagsasanay sa welding, plumbing, carpentry, construction, painting, masonry, refrigeration at air-conditioning, computer hardware servicing, food processing, domestic appliances repair, dressmaking, cellphone repair, commercial cooking, baking and pastry production, vermiculture, hog raising, at organic farming.


Binabati natin ang Technical Education and Skills Development Authority sa pangunguna nina Director-General Joel J. Villanueva at Deputy Director-General for Field Operations Teodoro C. Pascua, sa pagkakaroon ng mga polisiya, programa, at mga pamantayan tungo sa dekalidad na technical education at skills development para sa kalinangan ng mga manggagawang Pilipino na may kahusayang world-class sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



STRENGTHENING TECHNICAL-VOCATIONAL COURSES AND TRAINING FOR WORLD-CLASS SKILLS


No comments:

Post a Comment