Thursday, November 7, 2013

2 dinukot ng Abu Sayyaf

Dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf ang dalawang empleado ng isang telecommunications company sa katimogan ng bansa, ang huli sa serye ng mga pandudukot ng grupo, sinabi ng mga opisyal noong Miyerkules.



Sinabi ni Marine Col. Jose Cenabre na bumibiyahe ang tatlong lalaki sakay ng motorsiklo matapos suriin ang isang cellphone transmission facility nang harangin sila ng 10 armadong Abu Sayyaf noong Martes sa bulubunduking bayan ng Patikul sa lalawigan ng Sulu.


Nakatakas ang isa sa kanila habang hinihila sila sa kagubatan. – AP


.. Continue: Balita.net.ph (source)



2 dinukot ng Abu Sayyaf


No comments:

Post a Comment