Thursday, November 7, 2013

Moratorium sa tuition fee hike

Nagharap ng panukala sina Reps. Neri Colmenares (Bayan Muna), Carlos Isagani Zarate (Bayan Muna), Antonio Tinio (ACT Teachers) at Terry Ridon (Kabataan) na nagbabawal sa mga paraalan na magtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa loob ng tatlong taon upang hindi makuba sa kahirapan ang mga magulang ng mga mag-aaral.



Kabilang sa mga bayarin na hindi dapat itaas ay ang medical and dental, library, laboratory, publication, athletic at iba pang katulad ng mga serbisyo sa mga estudyante.


Batay sa panukala, tanging ang mga paaralan na nagrehistro ng pagkalugi sa nakaraang taon ang maaaring magaplay ng pagtaas ng matrikula. Ang mga lalabag ay papatawan ng multang P100,000 hanggang P500,000 o anim na taong pagkakakulong sa mga opisyal ng paaralan o parehong parusa. – Bert de Guzman


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Moratorium sa tuition fee hike


No comments:

Post a Comment