Tuesday, November 19, 2013

2 anak ni Janet Napoles kakasuhan ng plunder

MALAMANG na makasama sa selda ang dalawang anak ni Janet Lim Napoles sakaling mapatunayang mga sangkot sila sa paglustay sa P900 milyong Malampaya fund.


Ang dalawang anak ni Napoles ay kasama sa mga kakasuhan sa Office of the Ombudsman kaugnay sa maanomalyang P900 million Malampaya fund.


Ayon sa ulat, maliban sa magkapatid na Napoles na sina Jo Christine at James Christopher isasama rin sa irereklamo ang family driver ng mga Napoles na sinasabing may partisipasyon sa nasabing scam.


Matatandaang kabuuang 22 indibidwal ang kinasuhan ng plunder na may koneksyon sa Malampaya fund na kinabibilanga nina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo; former Executive Secretary Eduardo Ermita, DBM Secretary at ngayon ay Camarines Sur Rep. Rolando Andaya at si dating Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman.


The post 2 anak ni Janet Napoles kakasuhan ng plunder appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



2 anak ni Janet Napoles kakasuhan ng plunder


No comments:

Post a Comment