Tuesday, September 2, 2014

Suspensyon ni Jinggoy ipinatupad na

IPINATUPAD na ng Senado ang utos ng Sandiganbayan na pagsuspinde kay Sen. Jinggoy Estrada sa loob ng 90 araw.


Agosto 28 nang magdesisyon ang Sandiganbayan na suspendihin si Estrada dahil sa kasong plunder at graft nito kaugnay ng multi-bilyong pork barrel scam.


Naghain pa ng motion for reconsideration ang senador pero ibinasura rin ito ng ika-limang dibisyon ng anti-graft court dahil sa kawalan ng merito.


Epektibo simula Setyembre 2 ang suspensyon ni Estrada.


Una nang ipinatupad ang suspensyon ni Sen. Juan Ponce-Enrile dahil sa kaparehong kaso. Gina Roluna


.. Continue: Remate.ph (source)



Suspensyon ni Jinggoy ipinatupad na


No comments:

Post a Comment