Plaridel, Bulacan- Patay ang hindi pa nakilalang babae matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek.
Ang biktima na tinatayang nasa pagitan ng edad 28-35 ay sakay ng itim na Hyundai Tucson na wala pang plate number at may conduction sticker ML 9360.
Nabatid na binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Barangay Santo Nino nang pagbabarilin ng ilang kalalakihan na sakay naman sa isang motorsiklo.
Ayon sa mga nakasaksi, matapos masiguro ng mga suspek na patay na ang biktima ay lumapit ang mga ito sa sasakyan at may kinuha pang dalawang bag na hindi pa matukoy ang laman.
Nakuha naman ng mga rumespondeng pulis mula sa sasakyan ng biktima ang mga resibo ng Hyundai Tucson na nakapangalan sa isang Carmina Pagapatan na taga Tilapayong, Baliuag na hindi pa tiyak ng mga awtoridad kung iyon mismo ang pagkakakilanlan ng biktima. Jun Acot
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment