Tuesday, September 2, 2014

Lalaki ginilitan sa leeg dahil sa utang

PATAY ang isang lalaki nang bugbugin ng anim na lalaki at gilitan pa ng leeg sa Barangay Luyang, San Remegio, Cebu.


Kinilala ang biktima na si Saturnino Cualbar, 45, ng Sitio Aningan, Bgy. Luyang ng nasabing bayan.


Nabatid na pumunta lamang ang biktima sa lugar upang maningil ng utang sa suspek habang nakikipag-inuman kasama ang mga kaibigan.


Nang paalis na ito ay hinabol siya at hinarang ng anim na suspek at pinagtulungang hinawakan si Cualbar.


Apat pa lamang ang positibong nakilalang salarin na kinabibilangan nina Reneboy Noynay, 40; Jerry Yurag, Macky Ecarma at Michael Yurag, pawang ng nasabing lugar. Gina Roluna


.. Continue: Remate.ph (source)



Lalaki ginilitan sa leeg dahil sa utang


No comments:

Post a Comment