HUMIHINGI ng tulong sa gobyerno ang isang overseas Filipino worker (OFW) dahil sa pambubugbog ng limang Arabyano sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ito’y dahil umaabot na sa P250,000 Saudi Riyal o katumbas ng P3-million sa Pilipinas ang kanyang hospital bill dahil sa pambubugbog ng limang Saudi nationals noong May 16,2 014.
Batay sa pahayag ni Mac Comric Ravina, ng Kibawi, Bukidnon, sinabi nito na limang buwan na siya sa ospital at kahit magtrabaho ito ng habambuhay doon ay hindi niya ito mababayaran.
Kailangan umano niya ng tulong Pilipinas para makalabas na siya ng ospital.
Ayon pa rito, ayaw siyang palabasin ng ospital dahil sa malaking pagkakautang nito sa pananatili sa ospital.
Nabatid kay Ravina na ayaw rin umano ng insurance company na kanyang pinagtatrabahuhan bilang salesman na bayaran ang utang nito sa ospital dahil malaki na ang bill at saka late na daw nagpaabiso ang ospital sa kanilang kumpanya.
Humingi siya ng tulong sa embahada ng Pilipinas sa Saudi Arabia subalit aniya ay hindi sila maaaring magbayad para dito dahil maaari namang ang kumpanya nito ang mananagot sa lahat ng mga gastusin sa ospital.
Ang masaklap pa aniya ay wala pang opisyal ng embahada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang nagtungo ng personal para kausapin siya kundi mga tauhan lamang ng embahada ang ipinadala doon.
Sinabi nito na pumapayag ang ospital na magbayad siya ng installment basis kung kaya’t nais nitong malaman kung ano ba ang kayang itulong ng Pilipinas sa kanya.
Samantala, bago ang insidente noong Mayo 16, 2014, naglalakad si Ravina alas-dose ng hatinggabi upang magtungo sa isang tindahan upang bumili ng pagkain.
Habang naglalakad ay hinarang siya ng isang kotse at sinabing ihahatid na siya sa kanyang pupuntahan.
Sinabi nito na malapit lamang doon ang kanyang pupuntahan nguniot pinilit siya ng isang Arabo na na pumasok sa kotse.
Lumaban umano siya kung kaya’t sinuntok siya ng Arabo at saka naman siya gumanti ng suntok.
Huli na nang malaman nitong may apat pa palang Saudi nationals sa loob ng kotse at pinagtulungan siyang bugbugin ng mga ito.
Itinapon umano siya sa disyerto at saka pinukpok siya ng isang matigas ng bahay sa ulo dahilan para ma-comatose. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment