Saturday, September 27, 2014

2 holdaper sa Maynila, kalaboso

NASAKOTE ng mga awtoridad ang dalawa holdaper matapos mangholdap ng pampasaherong jeep sa kanto ng Padre Faura at Mabini St. sa Maynila.


Ayon kay Manila Traffic SPO1 Ariel Cagata, narinig nila ang sigaw ng isang matandang babae na “holdap, holdap” habang nagpapatrulya kaya agad silang rumesponde.


Dito na nila naaktuhan ang tatlong holdaper na bitbit ang gamit ng mga pasahero ng isang jeep.


Kinilala ang dalawa sa mga suspek na sina Romulo Quinta at Dan Bello habang nakatakas naman ang isa bitbit ang iba pang gamit na nakuha ng mga ito sa mga biktima.


Todo-tanggi ang dalawa ngunit nahulihan ang mga ito ng kalibre .38 baril at isang balisong.


Kwento naman ng isa sa mga pasahero, bigla na lang nagdeklara ng holdap ang mga suspek at binarahan ang daanan pababa ng jeep.


Pagbaba ng mga suspek matapos limasin ang gamit ng mga biktima, doon na sila nag-ingay kaya nakuha naman nila ang atensyon ng mga nagpapatrulyang pulis.


Nasa kustodiya na ng Manila Police District Station 5 ang dalawang suspek habang pinaghahanap na ang isa pa nilang kasamahan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



2 holdaper sa Maynila, kalaboso


No comments:

Post a Comment