CANDON CITY, ILOCOS SUR – Patay ang isang anim na taong gulang matapos mapipi ang kanyang ulo nang madaganan ng poste ng volleyball sa Candon City, sa nasabing lalawigan kahapon ng umaga.
Nakilala ang biktimang si Jayzen Arnolf Habab, grade 1 ng St. Joseph Institutes, ng nasabing bayan, ng Bgy. Catagayan, Sta. Lucia.
Sa imbestigasyon, ayon sa ina ng biktima na si Mara Abaya Habab, nakatayo ang biktima sa tabi ng bakal na poste nang ugain ito ng mga batang kalaro kaya siya nadaganan.
Sa lakas ng pagbagsak, napipi ang ulo ng bata at lumabas pa ang mga mata nito.
Inimbitahan ang mga magulang ng mga batang umuga sa nasabing poste sa local police station. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment