Saturday, September 27, 2014

NFA administrator Juan, nagbitiw na

NAGBITIW na sa kanyang posisyon si National Food Authority (NFA) Administrator Arthur Juan.


Kinumpirma ito ni Julie Tan Cio, communications director ng Office of the Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization.


Naka-address sa National Food council ang sulat dahil ito ang naghalal kay Juan sa puwesto na siyang iniabot kay Pangilinan.


Ikinalungkot naman ni Pangilinan ang paghain ni Juan ng irrevocable resignation lalo na’t problema sa kalusugan ang idinahilan nito sa pagbibitiw.


Gayunman, naniniwala pa rin ito na inosente si Juan.


Matatandaang idinadawit si Juan sa isyu ng mga matataas na opisyal ng NFA na diumano’y nangikil ng P15-milyon sa rice trader.


Una na itong naghain ng courtesy resignation noong Agosto ngunit hindi ito pinagbigyan ni Pangilinan.


Sa kabila ng pagbibitiw nito, nangako ang kalihim na hindi matitigil ang pagpapatupad ng reporma sa NFA partikular na sa kalakalan ng bigas sa bansa. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



NFA administrator Juan, nagbitiw na


No comments:

Post a Comment