Saturday, September 27, 2014

Tinawag na tanga, nanaga ng kinakasama

DAHIL tinawag na tanga, isang babae ang pinagtataga ng kanyang ka-live-in partner sa Camarines Sur, nitong Biyernes ng gabim, Setyembre 26.


Namatay noon din sanhi tinamong mga taga sa iba’t bahagi ng katawan ang biktimang si Merilyn Azuela, 28m ng Del Gallego, Camarines Sur.


Nasukol naman agad at kakasuhan ng homicide ang suspek na si Francis Toburan, 28.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 10:45 nitong Biyernes ng gabi sa loob ng bahay ng magka-live-in.


Bago ito, sa hindi pa malamang dahilan ay nagtalo ang mag-live-in at tinawag na tanga ng biktima si Toburan.


Hindi naman nagustuhan ito ni Toburan kaya kinuha ang itak sa kanilang kusina saka pinagtataga ang kanyang kinakasama.


Pero sa mas malalim na imbestigasyon ng pulisya, madalas na mapansing nakatulala si Toburan at tila may malalim na iniisip. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Tinawag na tanga, nanaga ng kinakasama


No comments:

Post a Comment