TODAS ang isang ginang nang pagpapalakulin ng kanyang mister na may diperensya sa pag-iisip.
Nagtamo ng maraming taga sa katawan ang biktimang si Rona Villarubia, 30, dahilan ng kanyang pagkamatay sa Tupi, South Cotabato.
Nadatnan na lamang ng mga pulis ang biktima sa bahay nito sa Notre Dame farm sa poblacion sa lungsod na duguang nakahandusay sa sahig.
Itinurong suspek ang mismong asawa nitong si Jay R na nasa pagamutan matapos magtangkang mag-suicide.
Nalaman na lamang na isang linggo na pa lang hindi nakainom ng gamot ang suspek.
Nakitaan din ito ng sintomas ng depresyon at nadagdagan pa umano ito ng pagseselos na humantong sa karumal-dumal na krimen.
Desidido ang pamilya na ilagay sa selda si Jay R para hindi lalong ma-trauma ang tatlong-taong gulang na anak. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment