Monday, September 1, 2014

MGA JIHADIST DAPAT BANTAYAN

HINDI biro-biro ang panganib na dala-dala ng mga dayuhang kasapi ng Islamic State of Iraq and Syria o jihadist.


Tinutukoy natin, parekoy, ang mga Kano, British, Australyano, Arabo at iba pang libo-libong dayuhang nakikipaglaban ngayon bilang jihadist o banal na mandirigma para sa Islamic Caliphate o gobyerno sa ilalim ng tagapagmana ni Propeta Mohammed.


Nababahala na ang mga bansang Amerika at Europa na sa pag-uwi sa kanila ng mga miyembro ng ISIS, magbubuo naman ang mga ito ng caliphate sa kanila.


At kung mangyari ito, ano-ano ang mga gagawin ng bawat bansang may itinatag na caliphate?


Isa pa sa mga nakababahala, parekoy, ang posibleng pagdayo ng mga miyembro ng ISIS sa mga bansang maaaring maluluwag ang mga pintuan para sila makapasok.


Napakahirap naman kasing pigilin ang mga dayuhang gustong pumasok sa isang bansa bilang mga turista dahil mahirap kumilatis sa mga ito.


Por eksampol, kung darating sila sa Pinas, parekoy, at sinabi nilang gusto nilang maranasan ang “It’s more fun in the Philippines”, sino ang tatanggi?


Magugulat na lang tayo na may mga nagtatanim na pala ng caliphate sa Pinas at kabilang sa mga magiging trabaho ng mga ito ang paralisahin ang ating gobyerno at paghahasik ng takot sa mga mamamayan.


‘Di ba naranasan na natin ang mabomba sa Metro Manila, courtesy ng Al Qaida at Abu Sayyaf Group, at mabombahan ng barko sa labas lang ng Manila Bay na ikinamatay ng daan-daang katao?


At buhay na buhay ang ASG, kasama na rin ngayon ang Bangsamoro Islamic Freedomn Fighters, sa mga nakikipag-ugnayan sa ISIS.


Tila kumalas na ang ASG sa Al Qaida at sa ISIS na sila sumasailalim.


May mga kasapi o miyembro umano ang mga grupong ito na nasa mga Arabong bansa at nakikipag-ugnayan na rin sa ISIS.


Paano ang kanilang pag-uwi na may dala-dala nang makabagong kaalaman sa pakikidigma at idolohiyang nauugat sa caliphate?


Baka hindi na lang Metro Manila ang magkakaproblema kundi ang iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na ang Mindanao na binubuliglig ng rebelyon ngayon.


Marahil, parekoy, magandang sumali tayo sa mga pandaigdigang pagkilos para sa pagsubaybay at pagkontrol sa nasabing caliphate na isinusuka na rin ng mga awtoridad na Islam sa iba’t ibang bansa gaya ng Saudi Arabia, Egypt, Iran at Iraq.


Magbantay, magbantay, at magbantay tayo lahat. BURDADO/Jun Briones


.. Continue: Remate.ph (source)



MGA JIHADIST DAPAT BANTAYAN


No comments:

Post a Comment