Friday, September 26, 2014

LPG tanker vs mini bus, 1 tigbak, 22 sugatan

ISA ang nalagas habang 22 naman ang sugatan nang magsuwagan ang isang liquefied petroleum gas tanker at isang mini bus sa Bataan kaninang umaga, September 26.


Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Alex Boncal, drayber ng LPG tanker.


Isinugod naman sa iba’t ibang pagamutan ang 22 mga sugatan kabilang ang tsuper ng mini bus na si na Ronnie Laureto na nasa malubhang kalagayan ngayon.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 6:35 ng umaga sa isang bahagi ng Roman Highway sa Bgy. Lamao, Limay, Bataan.


Bago ito, sinundo ni Laureto ang kanyang mga pasahero na pawang manggagawa sa isang lokal na kumpanya.


Pagsapit sa nabanggit na lugar, sa hindi pa malamang dahilan ay biglang nagsalpukan ang dalawang sasakyan. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



LPG tanker vs mini bus, 1 tigbak, 22 sugatan


No comments:

Post a Comment