NA-SUFFOCATE at namatay ang isang lola nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Cebu City nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 25.
Sinabi ni City Fire marshall Chief Inspector Rogelio Bongabong na ang biktima na si Juanita Arcaya, 101-anyos, ay namatay sanhi ng suffucation dahil sa sunog.
Sa ulat, naganap ang insidente 10:15 nitong Huwebes ng gabi sa bahay ng biktima sa Bgy. Kasambagan, Cebu City.
Ayon sa apo ng biktima na si Sylvia Sim, bigla na lang lumaki ang apoy sa mismong kuwarto ng kanyang lola.
Sa kapal aniya ng usok na bumalot sa kuwarto ay hindi na niya nailigtas ang kanyang lola.
Inaalam pa ang pinagmulan ng sunog na maaring ang paninigarilyo ng biktima ang dahilan.
Teorya ni Bongabong, nakatulog ang biktima habang naninigarilyo at lumagpak ang abo nito sa light material na agad nagliyab.
Inabot lamang ng 10-minuto ang sunog na agad din naapula, habang nasa P100,000 ang nasirang mga ari-arian. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment