MAS lalo pang lumaki ang lava dome na naiipon sa bunganga ng bulkang Mayon.
Sa isang media briefing sa Albay, kaninang umaga, Setyembre 26, inihayag ng Phivolcs na mula sa dating volume na 560,000 nitong Lunes lamang ay lumaki na ngayon sa 855,000 cubic meters ang lava dome na na nasa mayon crater.
Ayon sa Phivolcs, itinutulak ang lava dome ng magma na nasa ilalim nito na ang ibig-sabihin ay umaakyat na ang isa pang batch ng magma na unang na-monitor na nasa ilalim ng bulkan.
Mula naman sa anim na araw na pananahimik, muling nakapagtala ng volcanic earthquake ang naturang bulkan. Walo sa mga ito’y may kinalaman sa pag-akyat ng magma sa crater o bunganga ng bulkan. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment