Friday, September 26, 2014

Hospital arrest kay JPE, oks na

PINAYAGAN ng Sandiganbayan ang mosyon ni Senador Juan Ponce Enrile na manatili sa PNP General Hospital sa Camp Crame.


Ito’y nangangahulugang hospital arrest si JPE sa buong panahon ng paglilitis ng kaso sa pork barrel scam sa halip na sa PNP Detention Cell.


Batay sa kautusan ng Sandiganbayan 3rd Division, si JPE ay pinahihintulutang manatili sa ospital hanggang sa sabihin ng mga doktor na fit na siya para ilipat sa regular na detention facility.


Sa 16 na pahinang resolusyon ng anti-graft court, binigyan din ng awtoridad ang director ng ospital na pahintulutan si JPE na makapagpatingin sa ibang ospital sa labas ng Camp Crame kung may mga emergency situtation.


Batay sa sumuring doktor sa senador, mayroon itong chronic hypertension, elevated fasting blood sugar at mild anemia.


Ang senador ay nagmimintina na ng may 22 gamot para sa kanyang mga sakit. MELIZA MALUNTAG


.. Continue: Remate.ph (source)



Hospital arrest kay JPE, oks na


No comments:

Post a Comment