NAMATAY ang anim na mga sibilyan sa inilunsad na airstrikes ng U.S. at ilang allied warplanes sa may bahagi ng northern Syrian city ng Ayn al-Arab, ang lugar na kamakailan lamang naganap ang sagupaan sa pagitan ng mga rebeldeng ISIS at Kurdish forces.
Iniulat ng Syrian Observatory for Human Rights, isang London-based monitoring group na sa isinagawang airstrike, mayroong anim na sibilyan ang nasawi dahil sa isinagawang pambobomba malapit sa Syrian city ng al-Hasakah.
Sa ngayon, patuloy pang vina-validate ng U.S. military ang napaulat na civilian casualties.
Sa kabilang dako, batay sa ulat ng U.S. Central Command na ang inilunsad na airstrike kahapon, tumama sa isang ISIS vehicle at ilang mga gusali na bahagi ng ISIS garrison malapit sa al-Hasakah.
Sa magkahiwalay na airstrike malapit sa Ayn al-Arab, coalition airstrike ang tumama sa isang gusali at dalawang armed vehicles sa isang border patungong Turkey.
Nabatid na ang airstrike ang siyang kauna-unahang coalition attacks malapit sa border ng Turkey.
Bukod sa U.S. Air Force at Navy aircraft, warplanes mula Saudi Arabia, Jordan at UAE ang nakilahok na rin sa pamomomba sa Syria na target ang ISIS forces.
Samantala, ilang araw na rin na nakikipagsagupaan ang mga Kurdish forces laban sa ISIS ng sa gayon maiwasan ang pagkubkob ng rebeldeng grupo sa bayan ng Ayn al-Arab na kilala din bilang Kobani. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment