Saturday, September 27, 2014

Mag-ina pinalakol sa pangangantyaw, utas

UTAS ang isang mag-ina habang isa pa nitong anak ang sugatan matapos palakulin sa loob mismo ng kanilang bahay sa Bgy. Tamban, Malungon, Sarangani province.


Kinilalang ang mga namatay na mag-inang sina Lina Kalibay, 38, at Arcelin, 3, habang nananatili sa pagamutan ang isa pang anak nito na si Angeline, 7.


Ayon kay P/Insp. Jaime Tabucon ng Malungon PNP, nadatnan ang mag-ina na tadtad ng sugat ang katawan at wala ng buhay habang humihinga pa si Angeline kaya’t kaagad na dinala sa ospital.


Ang mga suspek ay ang mag-amang sina Dodong at Romnick Poster.


Sa inisyal na imbestigasyon, matinding galit umano ang nagtulak sa kanila na gawin ang krimen matapos kantyawan sila ng ina at mister nito na mabaho ang amoy dahil hindi naliligo at nagtu-toothbrush.


Pinasok ng mga mag-ama ang bahay ng mga biktima at pinagtataga ang mga ito ng palakol.


Gayunpaman, kaagad na sumuko si Romnick sa isang barangay captain matapos ang pangyayari habang pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang ama nito. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Mag-ina pinalakol sa pangangantyaw, utas


No comments:

Post a Comment