Saturday, September 27, 2014

1 kritikal sa sumabog na bomba sa Pangasinan

NASA kritikal na kondisyon ang isang tricycle driver nang hagisan ng bomba ang mga nakaparadang tricycle sa may Bgy. Canarem, Natividad.


Duguang isinugod sa pagamutan ang ilang tricycle drivers matapos sumabog ang isang bomba na inihagis ng tatlong kalalakihan.


Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Natividad PNP, bigla na lamang inihagis ng tatlong lalaki ang isang bomba sa mga nakaparadang tricycle.


Dahil dito, nagtamo ng grabeng sugat ang biktimang si Arnold Pagaduan, 36, tricycle driver, habang ang ilan naman na kapwa driver nito ay masuwerteng nakatakbo at tinamaan lamang ng mga galos na agad namang naisugod sa pinakamalapit na pagamutan.


Sa pinagsanib na puwersa ng mga awtoridad, nahuli sa isinagawang hot-pursuit operation ang suspek na si Halcon Bumatay, 28, ng Bgy. Carriedo, Tayug, Pangasinan.


Habang patuloy namang pinaghahanap ang dalawa pang kasamahan nitong nakatakas na kinilalang si Gilbert Bumatay, at isang hindi pa kilalang suspek.


Hanggang sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo sa insidente. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



1 kritikal sa sumabog na bomba sa Pangasinan


No comments:

Post a Comment