ITINAON ni Richard Gutierrez ang pag-amin na meron na silang anak ni Sarah Lahbati sa premiere episode ng Gutierrez family sa kanilang reality TV show na “It Takes Gutz to be a Gutierrez” sa E! Channel last Sunday, June 1.
“They have their own speculations, stories. A lot of people think that Sarah left the country because we are having a baby and she’s pregnant. I just want to set the record straight and tell everyone that I’m a proud father of baby Zion,” pag-amin ni Richard.
“The main reason why we didn’t want to announce that I’m having a baby with Sarah was because we didn’t want to make Sarah’s pregnancy a tabloid circus. We get to share baby Zion with everyone in our own terms,” dugtong pa nito.
Noong mabuntis daw si Sarah ay labis na natakot daw ang dalawa sa kanilang mga magulang kung paano nila ipagtatapat ito. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan noong magbakasyon sila sa Paris.
Dahil inamin na ng ama ang bata, nag-post naman ng retrato si Lahbati sa Instagram ng kamay ng isang ina habang tangan ang kamay ng isang baby, at sa ibaba nito ang caption tungkol sa kanyang nararamdaman.
“Extremely happy to announce the new member of our family, baby Zion,” ani Sarah.
“Crying and cheering now at Casa Gutierrez and their phones now are not stopping,” pagbabalita pa nito.
***
REGINE VELASQUEZ NAGTARAY SA FAN
PINAYUHAN si Regine Velasquez ng kanyang tagahanga na mag-rest muna dahil hindi maganda ang pagkakakanta nito kung anoman ‘yong kinanta niya, pero imbes na tanggapin na positibo ang payo at komento ng fan, nagtaray ang Asia’s Songbird.
“Wow! Hiyang-hiya naman ako sa pagkaka-no good mo teh, I think you guys just expect tooooo much!!! Like I said before WE ARE HUMANS and we are not always good as mush as we would like to be. We are inconsistent we are not perfect NO ONE is. I’m still recovering from a really really bad cough and cold, but if I remember it right nabasag boses ko sa huli lang naman. Kung kaya mo kumanta ng gano’n ikaw na lang kumanta teh para kasing ang laki ng binayad mo sa akin, eh, (insert smiley) Just to let you guys know there’s no cure for AR. Well, meron operation so there. Naloloka na ako sa taas ng expectations n’yo grabe, ibaba n’yo naman! Hindi ba kayo marunong mag-enjoy na lang?! Hay..(insert emoticons uli but this time mixed reactions).
Para sa amin, nakababahala na talaga ang pagpalya ng boses ni Regine, hindi ordinaryo sa isang magaling na singer ang ganyan. Siguraduhin muna ang boses, ang kalusugan bago kumanta para hindi napupulaan. Sabagay, ilang taon na ba siyang kumakanta at puro matataas, may hangganan din siguro ang galing ng isang mang-aawit?
***
KENDRU GARCIA BAGONG TALENT NI JOEL MENDOZA
SI Kendru Garcia ay isa sa talent ng Life & Soul Productionsng and Artists Management kung saan si Joel Mendoza ang tumatayong Senior Vice President (SVP) for Business Development and Artists Management katulong niya ang Star Horizon Management & Productions ni Ms. Eleonor Pisk na commercial naman ang forte.
Si Kendru ay pamangkin ni Joel. Lumaki at nagka-isip sa bansang Saipan. Nagmana siya kay Joel sa larangan ng pagkanta kaya naman napabilang siya sa isang Boy Band sa Saipan. Pang-matinee idol din ang hitsura niya. Lumabas na siya sa ilang TV shows ng TV 5 gaya ng “Midnight DJ,” “Moo Moo and Me,” at TV5 Tiger game show.
Abala siya ngayon sa workshop para lalo siyang mahasa sa pag-arte.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Richard Gutierrez ikinanta na ang anak kay Sarah Lahbati appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment