NADAKIP ang limang lalaki matapos mahuling nakahubad sa kalsada habang nagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang mga pulis sa Valenzuela City, Lunes ng umaga, Hunyo 2.
Isa sa mga nahuli si Cesario Co, 68, at apat pang kalugar sa Marulas ng lungsod.
Sa ulat, alas-9 ng gabi, nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga pulis sa lugar nang madaanan ang mga huli na pawang nakahubad sa kalsada dahilan upang dakpin.
Dahil may ordinansa ang lungsod na pinagbabawal sa mga lalaki na tumambay nang hubad sa kalsada, dinakip at dinala sa presinto ang mga suspek upang sampahan ng paglabag sa nabanggit na ordinansa.
The post 5 hubad na kelot, dakip sa ‘Oplan Galugad’ appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment