Tuesday, June 24, 2014

PNoy balik-bansa na mula Japan

NAKABALIK na sa bansa si Pangulong Noynoy Aquino matapos ang isang araw na working visit sa Japan.


Alas-12:09 Miyerkules ng umaga nang lumapag sa NAIA Terminal 2 ang eroplanong sinakyan ng Pangulo at delegasyon nito.


Sa kanyang talumpati, inihayag ni PNoy na bagama’t maikli lamang ang kanyang pagbisita, naging makabuluhan naman talakayan dito.


Kabilang sa mga tinalakay ang muling pagsusuri sa mga patakaran at pamantayan para sa pagtanggap ng mga dayuhang manggagawa., pagpapalakas ng turismo, at ng ugnayan ng dalawang bansa.


Nagpasalamat din ang Pangulo kay Prime Minister Shinzo Abe sa ginawang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) para paunlarin ang sistemang transportasyon sa Kalakhang Maynila at mga karatig-bayan. Sakop nito ang posibilidad ng subway system sa bansa.


Hindi nawala ang usapin sa pamumuhunan, partikular ng automotive companies, na planong magtayo ng manufacturing operations sa bansa.


May suporta rin anya ng Japanese PM sa panukalang maghahatid ng oportunidad para sa mas malaking partisipasyon ng mga banyagang kumpanya sa lokal na banking industry.


Naibahagi rin ni PNoy ang pasasalamat sa suporta at takbo ng kapayapaan para sa Mindanao.


Binanggit din ni PNoy, na nagpahiwatig ng suporta ang Punong Ministro sa ating posisyon para sa mapayapang resolusyon sa mga usaping may-kinalaman sa teritoryo, alinsunod sa international law at di paggamit ng pwersa.


Ipinabatid din niya ang hangaring suriin ang posibilidad ng mas maigting na ugnayan sa seguridad at pagsulong ng stabilidad sa mga karagatan.


The post PNoy balik-bansa na mula Japan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PNoy balik-bansa na mula Japan


No comments:

Post a Comment