HINDI tutol si Pangulong Noynoy Aquino sa hirit na magpa-hospital o house arrest na lamang si Sen. Juan Ponce-Enrile na akusado ng plunder sa Sandiganbayan kaugnay sa pork barrel scam.
Sinabi ng Pangulong Aquino, nasa 90-anyos na at maraming sakit si Enrile at ipinagbabawal sa Saligang Batas ang marahas at nakakababang uri ng parusa.
Ayon kay Pangulong Aquino, noong magkasama nga sila ni Enrile sa Senado ay gumagamit na ito ng eye drops at magnifying glass para makabasa.
Nakatitiyak naman ang Pangulong Aquino na gagawin ng korte ang pagpataw ng batas pero ikokonsidera ang edad ni Enrile sa pagdetermina ng kulungan.
The post House arrest kay JPE oks kay PNoy appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment