INAMIN ni Sid Lucero sa presscon ng bago niyang serye na My Destiny na matagal na silang break ni Bea Lao, ina ng kanyang anak. Pero pagdating sa kanilang baby ay nagkakasundo sila. ‘Pag may gig si Bea at wala siyang taping ay nasa kanya raw ang baby. Katuwang daw niya ang mommy niya sa pag-aalaga sa nag-iisa niyang anak.
Inamin din ni Sid na naapektuhan siya sa paghihiwalay nila ni Bea. Nagkalat daw siya pero nandiyan ang pamilya niya para hindi tuluyang mapariwara. Sumama raw siya kay Geoff Eigenmann na mag-ensayo ng Jujitsu. Doon muna na-focus ang atensyon niya.
Okey rin daw sila ni Carla Abellana kahit hiwalay na sila ng insan niyang si Geoff. Hindi raw nawala ang friendship nila at magaan ang working relationship nila sa My Destiny.
Itinanggi rin niya ang pagkaka-link niya kay Alessandra De Rossi. Noon pa raw ay magkaibigan na sila. Lagi naman daw sila natsitsismis na dalawa.
Consistent pa rin siya sa pagsagot na friends sila ni Alex kahit tinutukso ang huli ng mga kaibigan niya gaya nina Heart Evangelista at Lovi Poe na parang may alam na tunay na sitwasyon nila, huh?
-0o0-
Havey si Meg Imperial dahil extended ang serye niyang Moon of Desire na napanonood after ng It’s Showtime sa ABS-CBN 2. “Sobra po akong happy dahil na extend. Mas lalo pa po ako magkaka-chance matuto at patunayan pa po ang sarili ko. Pero at the same time kinakabahan dahil, ‘di ko alam hanggang saan ang kapit po ng mga manonood. Sana hanggang sa matapos kami hindi sila bumitiw,” reaksyon ni Meg na pasado at mataas ang ratings sa pagbibida sa isang serye.
Ano pa ang nadiskubre niya sa mga leading men niya sa Moon of Desire na sina JC De Vera at Dominic Roque? “Pareho po sila makulit. One thing in common nila- Mapang asar in a nice way naman. Pangpa-light lang sa set. Si JC ay magaling na actor same thing with Dom,” aniya.
How true na nagkaka-insekyuran na raw sila ni Ellen Adarna at may competition na sa set sa kanilang dalawa? “Naku! Wala po kaming ganu’n ni Len. Wala naman po dapat ika-insecure sa isa’t isa. Pareho po kaming nandito para matuto. Ok po kami,” tugon ni Meg.
Sey pa niya: “Marami pong dapat abangan sa MOD. Sa book 2 po nito malalaman na nila ang past ni Ayla about her father. Pati ang love story mas exciting. More kilig at pain sa mga characters. Kaya ‘di nila dapat mamiss.”
Sa ending ng Moon of Desire, kanino niya mas gustong mapunta, kay JC o kay Dom?
“If kay Ayla? Feeling ko si Jeff talaga pipiliin n’ya. If as Meg? Di ko alam. Pareho naman kasi silang nakai-inlove. Hehe,” tugon pa niya.
Talbog!
-0o0-
Mawawala na ba si Carmi Martin sa Moon of Desire ng ABS-CBN 2 dahil kasama siya sa bagong sitcom ng GMA 7? Bagama’t magkaiba ang tema, balik siya sa paggawa ng sitcom bilang si Mama A, ina ni Carla Abellana sa Ismol Family.
Gaganap din siyang cougar, ang gaganap na lover niya rito ay si Kevin Santos.
Ano naman ang naging reaksyon niya ng nalaman niyang gaganap siyang isang medyo may edad na babae na mahilig sa mga mas batang lalaki? “E, ‘di mas okay kasi minsan ‘pag sinabing mother, ganun-ganun, parang minsan, alam mong wala, limitado, e. Ito, nagbebenta ng alahas, mga ganun-ganun, so alam mong mapapaglaruan,” sambit niya.
Sa totoong buhay ay hindi niya naranasan na maging cougar. Hindi rin daw niya feel pumapatol sa mas bata sa kanya. “Ayoko na mag-boyfriend! Parang, I give my life to the Lord. No sex life, no anything,” deklara niya.
Tsuk!
The post No sex life…no anything! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment