ISA sa pinaka-busy na actress ngayon ng GMA 7 si Carla Abellana! Bukod sa soap niyang My Destiny na makakasama niya sa trianggulo sina Tom Rodriguez at Sid Lucero, nasa Ismol Family si Carla opposite Ryan Agoncillo. Tapos, mapanonood pa siya tuwing Sunday sa Sunday All Stars ng network.
Kaya nang itanong ng press sa presscon ng My Destiny kung pwedeng manligaw o nanliligaw na sa kanya si Tom, mariin niyang sinagot na close friends lang sila ngayon. Ibang level lang nang friendship ang mayroon silang dalawa pero walang ligawan. Kasi, unbeatable na ang loveteam nilang dalawa ngayon. Hit ang tambalan nila sa My Husband’s Lover at isang movie sa Regal Films.
Ani Carla: “If ever na may manligaw sa akin sa ngayon, hindi ko priority ang magka-boyfriend. Mas tutok ako ngayon sa career ko. Kahit araw-araw ay may schedule ako, okay lang sa akin. Pana-panahon naman ito. ‘Di mo masasabi kung kailan ka muling magiging busy pagkatapos ng sunud-sunod kong assignments ngayon.”
Palagay ni Carla, ‘yung ibang boys na ibig magparamdam sa kanya ngayon para manligaw, unti-unti nang tumitigil. Alam nilang wala siyang panahon sa dates as of now.
Ang My Destiny ay mapanonood na sa Monday kapalit ng Kambal Sirena na nagtapos na last Friday. Ang My Destiny ay idinidirek ni Bb. Joyce Bernal. Supported sila nina Ruru Madrid, Ashley Ortega, Gabrielle Garcia, Lorna Tolentino, Kuh Ledesma at Rhian Ramos.
PBA STAR GARY DAVID, TYPE MAKA-SAYAW SI MARIAN RIVERA
Naiibang agility sa dancing ang ipinakikita ni Gary. Tipong basketball play ang bilis niyang mag-routine sa dance floor. Kaya ngayong pahinga na si Gary sa PBA Games dahil ang kanyang team na Meralco Volts ay ‘di nakapasok sa finals, may malaking oras na siya para mag-rehearse ng sayaw.
Malaki ang advantage ni Gary dahil magaling na shooter siya sa basketball na hasa sa bilis ng pagbuslo ng bola. Marami talaga ang napapa-wow sa kanya sa pag-lift sa kanyang dancing partner sa kanilang routine steps.
Ani Gary: “Noong high school ako ay may sariling dance troop na akong kinabibilangan kaya rito ako nahasang sumayaw. Napunta ako sa basketball dahil nakita rin ang agility ko sa paglalaro.”
Taga-Dinalupihan, Bataan si Gary at kinikilala siyang hero sa kanilang lugar dahil sa talino niya sa basketball. Kasama rin siya sa Team Gilas Pilipinas na maglalaro sa World Bastball Championship sa Spain ngayong taon.
THEA TOLENTINO KAKARIRIN ANG KONTRABIDA ROLE SA THE HALF SISTERS
Nang nakausap namin si Thea Tolentino over the phone hinggil sa career trend niya sa GMA 7, nasabi niyang natutuwa siyang nabibigyan siya ng iba’t ibang roles na gusto niyang gawin dahil hilig niya ang pag-arte.
Unang lead role niya ang Pyra, ang Babaing Apoy kung saan marami siyang pinahanga sa tapang niyang maglaro ng tunay na apoy. Syempre, napansin din ang acting ability niya rito at versatily sa acting kaya nabigyan agad siya ng malaking role ngayon sa The Half Sisters opposite Barbie Forteza.
Sa The HalfSisters, bida-kontrabida ang kanyang role. Okay lang maging kontrabida si Thea dahil trabaho lang ito sa kanya bilang artista. Nakikita rin dito ang ibang dimention ng kanyang acting.
Ani Thea: “Wala po akong problema kung kontrabida ako. Para sa akin, maipakikita ko pa ang galing ko sa pag-arte bilang kontrabida. Willing din po akong matuto kung paano pa ako kaiinisan ng televiewers bilang kontrabida.”
Pursigido si Thea na matawag na “aktres” sa tunay na kahulugan nito pero nang ma-interview namin siya sa Protegee noon, hilig niyang maging singer.
The post Carla Abellana ‘di seryoso sa kahit sinong suitors ngayon appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment