SUWERTE ang mga kabataang taga-Muntinlupa dahil naging prayoridad ng kasalukuyang rehimen ang edukasyon.
Sa hindi nakaaalam, magmula sa elementarya hanggang kolehiyo ay mayroong scholarship program ang rehimeng Fresnedi kaya naman talagang may katiyakang may magandang kinabukasan ang mga kabataan sa naturang siyudad.
May kasabihan nga tayo na ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya naman dito natin nakikita sa lungsod ng Muntinlupa ang kasiguraduhan na mayroong magandang tinatahak na direksyon ang mga kabataan.
Tama ang ginagawa ni Mayor Jimmy Fresnedi na mamuhunan o mag-invest sa edukasyon dahil isa itong magandang investment lalo na kung ang pag-uusapan ay ang kaunlaran ng isang lugar at ng mamamayan nito.
Tiyak na walang lalaking mangmang sa Munti at sigurado ring bibihira ang magiging jobless sa siyudad na ito dahil tamang pag-aalaga ang ginagawa ng kanilang mga lider.
Napag-alaman natin na mayroong mahigit sa 3,000 scholar ang Muntinlupa kaya naman talagang nakabibilib ito.
Binibigyan ng pamahalaang lungsod kada buwan ng P300 ang mga elementary scholar, P400 sa high schools at tumataginting na P30,000 sa kanilang mga college scholar.
Nakabibilib ‘di po ba? Kaya hindi kataka-taka kung nag-produce ang Muntinlupa buhat sa kanilang mga scholar ng 3 magna cum laude at 9 na cum laude.
Bukod sa scholarship ay lalo ring pinalakas ng Munti government ang Muntinlupa Polytechnic College at Pamantasang Lungsod ng Muntinlupa.
Sangkatutak pang proyektong pang-edukasyon ang pinagagawa ni Fresnedi katulad ng mga silid-aralan sa Tunasan National High School at ang gym ng Muntinlupa National High School.
Tiyak na ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng Muntinlupa kaya sana’y marami pa ang Fresnedi na maging lider ng bayan.
The post EDUKASYON PRAYORIDAD SA MUNTINLUPA CITY appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment