Friday, June 27, 2014

Dingdong at Marian, gaya-gaya sa halikan nina Juday at Ryan sa kalsada

SIMPLE lang ang lips-to-lips nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo noon sa isang kalsada sa ibang bansa at nangyari ito noong gagawin nila ang sequel ng kanilang matagumpay na pelikula, ang Kasal, Kasali, Kasalo. They were a picture of a couple in love at ramdam mo naman ang kanilang pagmamahalan kahit sa photos lang ito nakita.


Sa kaso nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay gusto na sana naming paniwalaan ang lambingan at halikan nilang dalawa sa isang kalsada ng New York dahil nagmamahalan naman talaga ang dalawa.


Kaya lang nang nakita namin sa ibang published photos na kasama ang manager ni Dingdong na si Perry Lansingan ay nagduda kami at inisip na scripted ang nasabing eksena.


Sabi, eh, sobrang mahal ng dalawa ang isa’t isa dahil kahit may kanya-kanya silang show sa magkakaibang lugar, ginawan nila ng paraang maisingit ang kanilang paglalakad na nagka-holding hands o nagka-akbay.


Ang tanong lang ng iba, kailangan pa raw ba nilang magyakapan nang mahigpit at mag-torrid kissing scene in broad daylight?


Well, siguro naniniwala sila sa kasabihan na, “When in Rome, do what the Romans do” pero kailangan pa ba itong kunan ng larawan? Sabihin na lang natin na sumusunod lang sila sa instruction ng kumukuha ng picture.


Sabihin na natin na nagtagpo ang dalawa sa New York and maybe the least thing they can do ay mag-holding hands o magyakapan pero naghahalikan sa kalye maliban lang kung eksena ng pelikula ang nasabing halikan. ‘Ika nga, for publicity bagah!


AKTOR, MATUTULOY NA RIN ANG PLANONG PAGLIPAT SA KABILANG NETWORK?


Matagal na palang plano ng isang aktor na lumipat sa kabilang network dahil ang balita tiyak na mapahuhusay ang kanyang pag-arte base sa naglilipat sa nasabing network na hindi lamang sunud-sunod ang kanilang project kundi nakakatanggap na rin sila ng acting awards.


Kaya lang ang balita ay matagal pa matatapos ang kontrata nito pero kung hindi nito mahintay, pwede itong makipag-usap sa management at i-buy-out na lang ang natitirang taon sa kontrata.


Worried na raw ang aktor dahil wala na itong product endorsement na napapanood natin noon sa TV o wala na itong billboard sa kahabaan ng EDSA.


Kaya lang may ilang naniniwalang ang planong paglipat daw ng aktor ay posibleng paramdam lang ito dahil nga matatapos na ang kontrata nito at gusto nitong mag-renew at pwede ring isiping gusto nito ng umento sa kanyang pagpirma ng panibagong kontrata.


Huwag muna nating pangalanan ang aktor dahil marami pang mangyayaring pagbabago. Makikilala na lang natin siya kung isang araw ay magiging star of the hour ito dahil nasa kabilang network na o mababalitang may gagawin na itong dramaserye dahil naharang ito ng kanyang home studio. Abangan natin.


The post Dingdong at Marian, gaya-gaya sa halikan nina Juday at Ryan sa kalsada appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Dingdong at Marian, gaya-gaya sa halikan nina Juday at Ryan sa kalsada


No comments:

Post a Comment