Monday, June 2, 2014

Billy at Coleen, seryosohan na!

PANAY pa rin ang tanggi ni Billy Crawford na sila na ni Coleen Garcia bagaman duda ng marami ay mag-on na talaga sila. Base kasi sa mga pinapakita nilang gestures in public mas malamang na may understanding na sila, huh?


Posible raw na mag-MU na sina Billy at Coleen. Kaya as much as Billy would like to announce na sila na nga ni Coleen ay pigil pa rin siya. Syempre, marami pang nagho-hold back kay Coleen para sumuong sa isa na namang relasyon after ng hiwalayan nila ni Gab Valenciano.


Bata pa kasi si Coleen at marami pang gustong gawin sa buhay niya. Una na, gusto naman niyang bumongga ang showbiz career niya at makatapos ng kurso sa college.


Habang si Billy naman mukhang nagseseryoso na sa buhay since he’s not getting any younger. In fact, nag-decide na rin si Billy na bumili ng bahay at lupa rito sa Pilipinas. At kamakailan lang ay nakumpirma naming ang pagbili ng bagong bahay ni Billy somewhere in Quezon City.


Una naming nasilip ang bahay ni Billy sa Facebook account ni Nadia Montenegro. Pinost ni Nadia ang picture niya with Billy habang nasa terrace ng bahay ng singer/host na overlooking ang magandang view sa Kyusi.


Ayon mismo sa ahente ng bagong bahay ni Billy na siya ring nagsabi noon sa TV host na si Willie Revillame during his Wowowee days na may pinagbibiling lote sa tapat ng audience entrance ng ABS-CBN na ngayon ay tinatayuan ng Wil Tower Mall at condominium ni Senator Manny Villar.


According to our source, matagal na raw naghahanap talaga ng bahay si Billy. Tila gusto na kasi ni Billy ng mas malaking space to live in at maisama ang kanyang parents sa bahay niya. Sa condo lang kasi dati nakatira si Billy.


Tumataginting naman na P15 million ang halaga ng bahay ni Billy. Nagustuhan daw ni Billy ang bagong bahay niya dahil ilang minute lang ang ibibiyahe niya going to ABS-CBN.


May tatlong palapag at apat na kuwarto ang bahay. Isang room sa ibaba at tatlo sa gitna. Sa roofdeck naman ang music room ni Billy.


-ooOoo-


NAPAKASEKSI ni Bea Alonzo sa presscon ng bago niyang teleserye na “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” ng ABS-CBN pairing her for the first time with Paolo Avelino. With matching super litaw ang cleavage ni Bea sa kanyang hapit na simple black dress na may mahabang slit sa hita.


“Iba na tayo ngayon,” kasunod ang tawa ni Bea nu’ng makausap naming after the presscon.


Biniro namin si Bea kung para kay Paolo ba ang pagpapakita niya ng cleavage that night.


“Hindi, para sa tsokolate, haha!”


May konek kasi sa role ni Bea ang peg ng outfit niya sa presscon. Gagampanan niya ang dalawang bidang karakter na si Emmanuelle at ang tagapagmana ng isang chocolate company na si Rose sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon na magsisimulang umere ngayong Hunyo.


“So far, masasabi ko na ito siguro ‘yung pinaka-challenging na project sa career ko. Dito ipapakita na ang mga babae ngayon ay hindi na rin nagpapa-api. Sa tingin ko mai-inspire ang mga kababaihan na huwag magpa-api basta-basta,” paliwanag ni Bea.


Bukod sa babaeng ‘di papa-api, palaban din si Bea sa mga sensual scenes niya with Paolo sa bagong obra ng Dreamscape Entertainment Television na siyang lumikha ng phenomenal drama series na “Walang Hanggan,” “Ina, Kapatid, Anak” at ang umeere ngayon sa primetime bida na “Ikaw Lamang.”


Inamin ni Bea na nagpahulog siya sa bitag ni Paolo sa “Sana Bukas Pa Ang Kahapon.”


Kinailangan daw ‘yun at pagkatapos ng eksena, bumibitaw na siya sa kanyang role. Then, balik na siya bilang girlfriend no Zanjoe Marudo in real life.


“Bumabalik lang ako sa sarili ko kapag kay Z na? haha!”


Kinukwento naman daw niya kay Zanjoe lahat ng eksenang ginawa nila ni Paolo for their new soap. At hindi raw nagselos si Zanjoe dahil naiintindihan niya na kailangan ‘yun sa trabaho.


The post Billy at Coleen, seryosohan na! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Billy at Coleen, seryosohan na!


No comments:

Post a Comment