HINDI maaaring sipain ni President Benigno Aquino III si Budget Secretary Florencio “Butch” Abad dahil lamang sa “deleted computer files” ni whistleblower Benhur Luy.
Ayon sa kaalyado ni PNoy na si Senator Antonio Trillanes IV, isa si Abad sa mga pinagkakatiwalaan ngayon ng punong ehekutibo.
Sinabi pa ni Trillanes, na kung pagbibitiwin ni PNoy si Abad dahil sa Napolist ay para na rin nitong pinilayan ang kanyang administrasyon.
Una nang nabunyag na kasama ang pangalan ni Abad sa naburang digital files sa laptop ni Luy na isinumite naman ng NBI o National Bureau of Investigation sa Senate Blue Ribbon Committee.
The post Abad ‘di puwedeng sipain ni PNoy- Trillanes appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment