Sunday, June 1, 2014

Pirates excited sa NCAA Season 90

MAGANDA ang naging resulta ng kampanya ng Lyceum of the Philippines Pirates at Emilio Aguinaldo College Generals sa nakaraang 89th season ng NCAA kaya naman atat na rin ang mga ito na makapaglaro ulit.

Pero mas gaganahan ang Pirates at Generals sa paglalaro kung magiging regular member na sila sa nasabing pinakamatandang liga sa bansa.

Hindi lang sa San Beda College Red Lions na naghahangad ng five-straight championships ang pagtutuunan ng pansin sa pagbubukas ng NCAA Season 90 sa darating na Hunyo 28 kasama kundi pati ang Lyceum at Emilio Aguinaldo na makakakuha na ng regular members.

Tatlong taon ng naglalaro ang Pirates sa NCAA habang nasa pang-limang taon naman ang EAC at ang performance nila ngayong season ay hindi lang sa basketball kasama ang ibang sporting events ang magiging basehan para maging regular members.

“We wish them well this season and may they consistently meet what is required to become regular members,” patungkol ni Management Committee chairman Paul Supan ng host Jose Rizal sa Pirates at Generals.

“Just like when they were elevated to probationary status from being guests, we’ll be happy when the day to welcome them as regular members comes,” dagdag nito.

Inaasahang susundan ng Lyceum at EAC ang Arellano U na naging regular member sa kaagahan ng taon matapos magpakitang gilas sa ibang sport at maayos ang ibang requirements sa liga.

Ang ibang teams ay Jose Rizal, San Beda, San Sebastian, Letran, Mapua, St. Benilde at Perpetual Help.

The post Pirates excited sa NCAA Season 90 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pirates excited sa NCAA Season 90


No comments:

Post a Comment