Sunday, June 1, 2014

17 sugatan sa banggaan ng 2 bus sa QC

UMABOT sa 17 pasahero ang sugatan matapos magbanggaan ang dalawang bus sa Commonwealth Avenue, QC, kaninang umaga, HUnyo 2.


Isang Joyselle Express bus ang binangga sa likuran ng Everlasting Bus sa loading bay sa bahagi ng Central Avenue.


Sa salaysay ng drayber ng Joyselle bus na si Narciso Binlo, magbababa at magsasakay sana siya ng pasahero sa loading bay nang mamatay ang makina ng kanyang bus.


Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi agad napansin ng driver ng Everlasting bus ang biglang paghinto ng nasa unahang bus at di na nagawang makapagpreno kaya sumalpok sa likuran ng Joyselle bus.


May 15 pasahero ng bumanggang bus ang sugatan habang dalawang pasahero naman ng Joyselle na nakaupo sa likuran ang nagtamo ng minor injuries.


Mabilis namang inalis ang dalawang bus para hindi lumala ang traffic.


The post 17 sugatan sa banggaan ng 2 bus sa QC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



17 sugatan sa banggaan ng 2 bus sa QC


No comments:

Post a Comment