ISINISISI ng bagitong solon sa gobyerno ang makupad na rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyong ‘Yolanda.’
Ito ang reaksiyon ni Sen. JV Ejercito kasunod ng pagkakasunog ng isang tent sa Tent City sa Tacloban City na ikinamatay ng isang ina at kanyang anim na anak.
Iginiit pa nito na dapat bawasan na ang umiiral na red tape sa gobyerno sa pagpapatupad ng planong rehabilitasyon upang mapabilis na mapanumbalik ang dignidad at kabuhayan Central Visayas na hinagupit ni Yolanda.
Samantala, sa pinakahuling pagbisita sa Tacloban City at iba pang lugar sa Central Visayas nitong Mayo ni Sen. Bongbong Marcos, iginiit nito na ‘bureaucracy problem’ at hindi problema sa pulitika ang umiiral sa planong rehabilitasyon.
Hindi pa aniya maramdaman ng mga residente dito ang pangakong kabuhayan ng gobyerno.
Aniya, hinihintay pa ng gobyerno ang assessment mula sa local government units (LGUs) para maisagawa ang planong rehabilitasyon.
Subali’t sinabi naman aniya ng mga opisyal na kaniyang nakausap mula sa LGUs na nagsumite na sila ng kanilang ‘needs assessment’ .
Ang LGUs aniya ang higit na nakaaalam kung ano ang makabubuti sa kanilang mga barangay.
Ang nasabing mga opisyal ay mula aniya sa kampo ni Pangulong Noynoy Aquino (LP) subali’t ayaw lamang aniyang magsalita sa takot na pag-initan sila.
The post JV, Bongbong umalma sa kupad ng gobyerno appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment