Friday, November 8, 2013

‘Yolanda’ humina na, storm signals ibinaba

NAGBABA na ng storm signals sa mga apektadong lugar na sinalanta ng supertyphoon Yolanda.


Batay sa ulat ng PAGASA, mula sa signal number 4 at 3, nasa signal number 2 at 1 na lamang ang may 15 lugar na binabayo ni Yolanda.


Sa latest forecast ng PAGASA, lalo pang humina ang bagyong Yolanda nang nakatawid na sa West Philippine sea.


Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 405 kilometro Kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro.


Taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pabugsong 210 kilometro kada oras.


Kumikilos ang bagyong Yolanda pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 35 kilometers per hour (kph).


Kung magpapatuloy at walang magbabago sa ikinikilos ng nasabing sama ng panahon nasa labas na ito ng Philippine area of responsibility (PAR) mamayang hapon o 760 kilometro kanluran-hilagang kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro.


Nakataas ngayon ang public storm warning signal number 2 ang extreme Northern Palawan at Calamian Group of Islands.


Nasa ilalim naman ng signal number 1 ang Occidental Mindoro, Lubang Island, Oriental Mindoro, Romblon, Marinduque, Batangas, northern Palawan kasama ang Puerto Princesa City, Cuyo Island, northern Aklan, Boracay Island, northern Antique at Semirara Island.


The post ‘Yolanda’ humina na, storm signals ibinaba appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Yolanda’ humina na, storm signals ibinaba


No comments:

Post a Comment