Tuesday, November 12, 2013

World Vision, nagpadala ng donasyon

NEW YORK (AP)– Nagbigay ang NBA at NBA Players Association ng ikalawang donasyon na nagkakahalaga ng $250,000 para gamitin sa relief efforts sa Pilipinas, at ngayon ay sa pamamagitan ng World Vision.


Sinabi ng World Vision na mayroon nang flight na nagtungo sa Manila na kinabibilangan ng 5,000 kumot at 3,000 tarpaulins na gagamitin upang tulungan ang mga survivor na makapagtayo ng kanilang pansamantalang matitirhan matapos ang pananalasa ng bagyong “Yolanda”.



Dagdag ng World Vision, isang Christian humanitarian organization, na aabot sa 400,000 katao ang naapektuhan ng kalamidad.


Ang liga ay nakikipagtulungan sa nasabing organisasyon sa iba’t ibang proyekto mula 2009.


Una nang nagbigay ng pinagsamang donasyon ang NBA at union na $250,000 sa UNICEF kamakalawa.


Ang iba pang impormasyon ay matatagpuan sa http://www.worldvision.org/.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



World Vision, nagpadala ng donasyon


No comments:

Post a Comment