Wednesday, November 20, 2013

Umabuso sa PDAF hahabulin ng DOJ

KIKILOS na ang Department of Justice para habulin ang mga lumabag sa batas kaugnay sa paggamit ng pork barrel alinsunod sa kautusan ng Supreme Court.


Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na bubuo sila ng grupo na kabibilangan ng mga imbestigador at prosecutor na babalangkas ng mekanismo hinggil sa kanilang mga gagawing aksyon.


Plano rin ni De Lima na makipagpulong sa Tanggapan ng Ombudsman para sa posibleng pagsasanib ng pwersa.


Aminado ang kalihim na mabigat ang ibinigay sa kanilang responsibilidad pero gagawin anya nila ang lahat ng kanilang makakaya.


The post Umabuso sa PDAF hahabulin ng DOJ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Umabuso sa PDAF hahabulin ng DOJ


No comments:

Post a Comment